Brigada ng mga kababaihan

Noong unang panahon, batid ng bawat tao ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa mga karapatan, obligasyon, at responsibilidad ng dalawang kasarian. Ang mga kalalakihan ay kilala bilang mga taong tanging solusyon sa problema, sila ang mga kumikilos upang mabuhay ang pamilya, sila ang naghahanap buhay para sa panggastos ng kanilang pamilya. Kahit sa mga pananamit, pananalita, at pagtrato ay malaki ang kaibahan ng dalawang kasarian. Ngayong henerasyon, tila malaki ang naging pagbabago ng kaisipang ito. Ang mga tao ay namulat sa pantay pantay na karapatang pang tao at mga responsibilidad. Kung kaya naman ay naging determinado ang mga kababaihan na iangat ang lebel nila sa mundong ito. Ipinaglaban nila ang pantay nilang karapatan sa mahabang panahon. Hindi man naging madali ay makikita natin ang kinahinatnan ng laban na ito sa mga panahon ngayon. Mapapansin natin na ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pagiisip na kung ano man ang maaaring magawa ng mga kalalakihan ay maaari din nilang magawa....