Brigada ng mga kababaihan



Noong unang panahon, batid ng bawat tao ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa mga karapatan, obligasyon, at responsibilidad ng dalawang kasarian. Ang mga kalalakihan ay kilala bilang mga taong tanging solusyon sa problema, sila ang mga kumikilos upang mabuhay ang pamilya, sila ang naghahanap buhay para sa panggastos ng kanilang pamilya. Kahit sa mga pananamit, pananalita, at pagtrato ay malaki ang kaibahan ng dalawang kasarian.

Ngayong henerasyon, tila malaki ang naging pagbabago ng kaisipang ito. Ang mga tao ay namulat sa pantay pantay na karapatang pang tao at mga responsibilidad. Kung kaya naman ay naging determinado ang mga kababaihan na iangat ang lebel nila sa mundong ito. Ipinaglaban nila ang pantay nilang karapatan sa mahabang panahon. Hindi man naging madali ay makikita natin ang kinahinatnan ng laban na ito sa mga panahon ngayon.

Mapapansin natin na ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pagiisip na kung ano man ang maaaring magawa ng mga kalalakihan ay maaari din nilang magawa. Kung ito man ay mabigat na trabaho o magaan na trabaho, paglalaba o paglilinis ng bahay, ang bawat kasarian ay mayroon nang pantay na karapatan at responsibilidad.

Kung kaya naman ay iminungkahi na ng gobyernong magkaroon din ng espesyal na departamento ang mga kababaihan sa bawat barangay upang kanilang maipamalas ang kanilang mga natatanging galing at maipakita din nila ang kanilang mga kakayahan.

Sikat ang Grupo ng mga kababaihan ng Tuntungin sa buong Los Banos dahil sa kanilang natatanging mga produkto. Nagsimula silang bumuo ng organisasyon alinsunod sa kautusan ng sanguniang bayan, at paglaon nga ay naging aktibo na itong organisasyong ito hindi na dahil sa kautusan lamang kundi natutunan na nilang mahalin at pagyamanin ang kanilang organisasyon.

Binubuo ito ng mahigit sa benteng miyembro at halos karamihan sa kanila ay aktibong nakikipagugnayan sa barangay ukol sa mga proyektong ibinibigay sa kanila. Kaya naman hindi naging mahirap para sa kanilang kapitan na pagsimulain sila ng proyektong ikauunlad hindi lamang ng kanilang barangay kundi pati na rin ng bawat isa sa kanilang organisasyon.

Nagsimula sa mga clean drive, pagiging magluluto sa mga kasiyahan ng barangay, pagtulong tuwing mayroong sakuna sa mga evacuation center, pamimigay ng libreng pakain, hanggang sa pagsisimula ng Bags for Life.

Ang Bags for Life ay isang proyektong bumago sa kanilang buhay. Sila ay gumagawa ng mga recycled bags mula sa dyaryo, magasin, at mga lumang papel at kanilang ibinebenta sa mga festival, o di kaya naman ay sa mga pagdiriwang sa iba't ibang lugar. Nakilala ang Bags for Life dahil na rin sa hindi birong mga disenyo ng mga bags at sa mura nitong halaga, garantisado pa ang tibay nito.

Hindi maitatanggi ang pagiging aktibo nila sa Tuntungin upang makatulong sa pagsasaayos at pagpapaganda ng barangay. Kung kaya naman ay dumarami na ang bilang ng kanilang mga awards mula sa iba't ibang lugar at organisasyong inaanyayahan sila upang ipakita ang kanilang mga talento.

Kaya naman, mula sa buong Tuntungin Putho, Ipinagmamalaki po namin kayo! Maraming salamat sa walang sawa at walang pagod ninyong pagsesrbisyo para sa ating barangay!


https://lbtimes.ph/2017/04/26/bag-for-life-making-a-living-out-of-old-newspapers-and-scratch-papers-in-brgy-tuntungin-putho/

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kasaysayan ng Barangay Tuntungin Putho