Kasaysayan ng Barangay Tuntungin Putho
KASAYSAYAN NG BARANGAY TUNTUNGIN-PUTHO
I. Ang panimula
Noong panahon ding iyon nagkaroon ng mga unang taong nanirahan sa lugar na ito na sina Andang Balid De Mesa at Andang Julian. Ang naging trabaho nila ay pangangaso ng mga usa at baboy damo upang ipagbili nila sa mga kastila. Taong 1890 ng magsimulang magkaingin ang mga tao sa pangunguna nina Lolo Arandio Quilloy, Lucio Alborida, Bonifacio Bautista at Doroteo Magsino.
II. Ang pangalang Tuntungin-Putho
Napag-alamang nanggaling ang pangalan ng Barangay sa pakikipag-usap ng isang matandang babae na nagtitinda ng Puto sa isang Amerikano na nagtatala ng mapa at pangalan ng lugar. Nagtanong ang Amerikano “What is this place?” at sinagot ng babae na Puto sa pag-aakalang itinatanong kung ano ang kanyang itinitinda. Simula noon ay tinawag ng Putho ang lugar.
Ang pinagkunan naman ng pangalang Tuntungin ay isang burol na diumano’y laging pinapasyalan ni Maria Makiling, ito’y naroroon sa pagitan ng kapatagan na sa ngayon ay tinatawag na Putho. Sa kadahilanang ang mga tao ay doon nakatingin sa burol pagsapit ng dapit-hapon ay tinawag nila itong bundok ng Tuntungin.
III. Bilang isang sitio
Noon ay itinuturing lamang na sitio ng Maahas ang Tuntungin at Putho at dahil dito dating taga Maahas ang cabeza de Barangay. Sa ngayon, ang Tuntungin-Putho ay binubuo ng anim na Purok. Ang sitio Tuntungin-Putho noon ay pinamumunuan ng matanda sa nayon. Ang mga namuno bilang matanda na kalimitan ay isang taon ang pagitan ay sina: Pedro Cornelio, Felix Parducho, Pedro Parducho at Dalmacio Ramos.
IV. Mga Namuno sa barangay
May namuno ng mahigit 20 taon sa katauhan ni Felipe Castillo. Taong 1950, nagsimula ang halalan: ang mga namuno ay sina Dionisio Lescano (1950), Ireneo Ilagan (1954), Avelino Alborida (1960), Apolonio Parducho (1966), Juanito Guitierrez (1986), Tiburcio De Juras (1988), Benedicto Alborida (2002), Milagros Parducho (June 2010) at Ronaldo Oñate (Dec. 2010) na kasalukuyan pa ding nakaupo sa puwesto.
V. Ang Kapistahan
Ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay. Patron-Maestra Nuestra del Rosario.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento