Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Setyembre, 2017

Brigada ng mga kababaihan

Imahe
Noong unang panahon, batid ng bawat tao ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa mga karapatan, obligasyon, at responsibilidad ng dalawang kasarian. Ang mga kalalakihan ay kilala bilang mga taong tanging solusyon sa problema, sila ang mga kumikilos upang mabuhay ang pamilya, sila ang naghahanap buhay para sa panggastos ng kanilang pamilya. Kahit sa mga pananamit, pananalita, at pagtrato ay malaki ang kaibahan ng dalawang kasarian. Ngayong henerasyon, tila malaki ang naging pagbabago ng kaisipang ito. Ang mga tao ay namulat sa pantay pantay na karapatang pang tao at mga responsibilidad. Kung kaya naman ay naging determinado ang mga kababaihan na iangat ang lebel nila sa mundong ito. Ipinaglaban nila ang pantay nilang karapatan sa mahabang panahon. Hindi man naging madali ay makikita natin ang kinahinatnan ng laban na ito sa mga panahon ngayon. Mapapansin natin na ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pagiisip na kung ano man ang maaaring magawa ng mga kalalakihan ay maaari din nilang magawa....

Kasaysayan ng Barangay Tuntungin Putho

KASAYSAYAN NG BARANGAY TUNTUNGIN-PUTHO  I. Ang panimula              Noong 1885, isang malawak na kapatagan ang lupain sa Barangay. Mayroong naglalakihang punong kahoy, talahiban at mga cogonan. Pinaninirahan ito ng mga maiilap na hayop tulad ng usa, baboy damo, ibon, at mga unggoy.              Noong panahon ding iyon nagkaroon ng mga unang taong nanirahan sa lugar na ito na sina Andang Balid De Mesa at Andang Julian. Ang naging trabaho nila ay pangangaso ng mga usa at baboy damo upang ipagbili nila sa mga kastila. Taong 1890 ng magsimulang magkaingin ang mga tao sa pangunguna nina Lolo Arandio Quilloy, Lucio Alborida, Bonifacio Bautista at Doroteo Magsino. II. Ang pangalang Tuntungin-Putho               Napag-alamang nanggaling ang pangalan ng Barangay sa pakikipag-usa...